Friday, June 02, 2006

salamat

habang masamang masama ang loob ko, may isang tao na nagpagaan neto.

pagkatapos kong mag-iiyak sa labas ng bpi building, sa bus, sa mrt, sa food court - naisipan kong mag-internet. kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko. kailangan kong sabihin sa kanya kung ano ang nangyari at kung ano ang nararamdaman ko. hindi ako nagpakabait sa email. talagang nagmura ako. di bale nang isipin niyang nag-over react ako or masyado akong emotional. di bale na... basta yon ang nararamdaman ko.

pagkatapos habang hinihintay ko ang byaheng 6:30pm ng bus, naisip ko manood na lang kaya ako ng sine? kahit di maganda ang palabas, meron lang akong matambayan. at least kung maiyak man ulit ako, walang makakakita. kesa naman emote ako ng emote sa food court. baka mapagkamalan pa akong baliw.

buti na lang naisip kong bilhin na muna yong pinapabili ng kapatid ko bago pumasok sa sinehan. tyempong paalis ako sa tapat ng sinehan nang mag-ring ang cellphone ko.

sya.

hindi pa man, naiiyak na naman ako. alam ko nabasa na nya ang email ko.

********

damang dama ko ang pag-aalala mo. dahil don, lalo lang akong naiyak. grabe ang iyak ko sa fourth floor ng ali mall. buti na lang konti lang ang tao don sa floor na yon. wala naman kasing masyadong mga boutique kundi arcade at yon ngang moviehouses.

tinanong mo ako kung ano ang nangyari. hindi ako makapagsalita. tulo lang ng tulo ang luha ko. hindi ko mapigil. pinipilit kong tumahan. pero sa tuwing magsasalita ako, lalo lang akong napapaiyak.

nag-alala ako na baka i-try mong i-solve ang sitwasyon. wala ako sa mood para makipag-diskusyon or mag-isip ng solution. walang tama. wala ring mali. hindi lang nagkaintindihan ang lahat.

buti na lang, hinayaan mo lang ako umiyak. umiyak ng umiyak. nakikinig ka lang. huling tinanong mo, kung ano ang nararamdaman ko. alam ko hindi ko na kailangan pang i-elaborate. alam mo na.

matagal tagal din akong umiyak. hanggang sa medyo sa wakas, nakapagsalita din ako ng pakonti konti. pa-hikbi hikbi.

kinuwento ko sayo kung ano ang nangyari. kung ano ang nararamdaman ko. kung ano ang sabi sa akin. at kung anu ano pa.

alam ko, nag-aalala ka. alam ko na kung kaya mo lang, baka lumipad ka na papunta dito para lang i-comfort ako. alam ko. naramdaman ko.

sa buong buhay ko, wala pang akong naiyakan dahil may problema ako. kadalasan, umiiyak lang ako mag-isa. kung umiyak man ako sa harap ng ibang tao, hindi naman ako nagsasalita. hindi rin nila alam kung ano ang problema ko.

hindi pa rin nangyari sa akin yong umiyak at ngumiti sa isang pagkakataon. kadalasan, kapag umiyak ako, maswerte na kung ngumiti ako kinagabihan. matagal kasi akong makabawi sa lungkot. masyado akong maramdamin.

sayo pa lang. ikaw pa lang ang nakakagawa non.

i loved you even more. im so greatful that i have you in my life. i feel so secured knowing that you won't give up when i do.

salamat. maraming maraming salamat....

martian ko.

1 comments:

imaginality said...

Mahal din kita, katipan ko. So glad you let me be there with you... not fixing... just listening, just loving. *hugs*