hindi ako yong tipo ng iyakin. hindi nga ako emotional na tao eh. nagkataon lang siguro na sensitive ako nong araw na yon. pagod, gutom, kinakabahan. hindi talaga ako makapaniwala na wala naman palang mangyayari sa lakad ko. ang dami ko nang nagastos sa pamasahe, nagpaprint pa ako. halos kalahating araw bago ko natapos i-edit para lang mapakonti yong pahina nang ipi-print. nagpa-print din ng mga pictures. isipin mo na lang yong pagtataka ko nong hingin yon samantalang wala naman yon sa nakalistang requirements. andon lang naman lahat ng hinihingi nila sa bahay. nakatago sa isang kahon. ang dali lang ipakita kung nalaman ko lang na kailangan. ang layo ng nilakad ko para lang maghanap ng internet cafe. hinahabol ko kasi ang oras para maprint ko at makumpleto yong hinihingi nilang requirements. naka-high-heeled sandals pa naman ako. pero di ko rin naihabol kasi alas dose na. so nag-decide ako na kinabukasan ko na lang isu-submit. tutal tatlong araw naman ang leave ko.
isipin mo na lang ang inis na naramdaman ko nong pagdating ko kinabukasan, iba na naman ang hinihingi niya sa akin? para bang nakakaloko na ewan? bakit di na lang niya sinabi na ay sori miss ha? partnership itong ina-apply mo, kailangan ko ng sponsorship form at kung anu ano pa. (lintek! pano naman naging partnership eh ni hindi nga kami magkasama? kaya nga ako bibisita don eh, bisita - hindi magpapakasal, hindi ako titira don. please naman miss, pupuntahan ko lang sya kasi miss na miss ko na po yong boyfriend ko)
hindi naman masama ang loob ko na hindi tinanggap yong application ko. masama lang ang loob ko sa attitude nya tungkol sa pag-assess ng papers ko. feeling ko hindi nya masyado binigyan ng tamang pansin at pagpapahalaga. yon bang guilty by assumption na ako na, ay naku! girlfriend to ng foreigner, tiyak magpapa-petition 'to don at partnership ang ina-apply neto. at yong abala na nagawa sakin dahil hindi nya pinag-aralang mabuti ang application ko bago nya binalik at pagkatapos kung anu-ano ang hinihingi. kung sinabi nya sa akin na, palagay ko miss, on the basis of partnership itong application mo. dahil don, kailangan mong magpakita ng mga katunayan about your relationship - tulad ng: letters, pictures, marriage contract (kung kasal), or katunayan na magsama kami sa isang bahay, mga conjugal properties. yong mga ganon. hindi yong basta na lang nyang sinabi, asan ang mga letters, mga pictures.
isipin mo naman, hindi pa nga nya nakikita yong application form ko, yon na agad ang hinihingi nya. hindi pa nga nya nahahawakan yong mga papers eh. kaya kahit ano pa sabihin ko, meron na syang desisyon.
kung sinabi sana nya yong tungkol sa sponsorship form, e di hindi na ako nagpa-print. hindi na rin ako nag-stay pa ng isang araw sa manila. umuwi na lang sana ako kasi di ko rin naman makukuha yong sponsorship form sa 3 araw.
maraming sana...
basta ang alam, maraming syang nasayang sa akin dahil hindi nya in-assess ng maayos ang papeles na hawak ko.
nasayang ang pera ko.
nasayang ang panahon ko.
nasayang ang pagod ko.
nasayang lang ang luha ko.
Friday, June 02, 2006
ang sa akin lang....
ramblings of fen at 4:01 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment