Isa na namang kapana-panabik na araw sa buhay ng isang hamak na clerk ang naganap. Sa wakas natapos ko din ng medyo maayos naman ang annual report na dapat
Bago kasi ang public relations and information director kaya sige lang, ok lang na hindi nya pa nagagawa yon sa oras na dapat ginagawa nya na. Bago na nga, di pa marunong mag-computer! So ano nga naman ang ma-eexpect mo, di ba?
Ilang linggo na ang nakakaraan (buwan na nga yata) nong magpa-encode sya ng composition ng editorial board nya. Hindi ako kasali. Sa isip ko naman, ok lang. at least bawas trabaho.
Bigla na lang, isang linggo bago ang deadline ng annual report, may bagong set ng editorial board members.
May orientation meeting pa daw. Ok naman ang
Pagkatapos, kung kelan Friday na, saka sasabihin, ako na lang daw ang maglayout kasi hindi pwede yong layout artist. Nanganak daw ang asawa. Namputsa! Bakit ba sanay na sanay kayo sa ganyan? So kelan nga yan kailangan? Lunes daw. Syet talaga! Ano na naman ibig sabihin neto? OTy na naman?
Kaso mo, nong uwian na, lumapit sakin yong director. Naawa ako sa itsura. Parang wala na sa sarili. Pawisan na at ni hindi na makaimik o makapag-utos. Hindi na nya kasi alam kung ano iuutos nya sa dami ng kailangan pa nyang tapusin na sabay sabay ang deadline.
So naawa naman ako. Kakaawa naman talaga kasi. At least di naman nya ako pinipilit na mag-OT. Alam naman kasi nya na matigas din ang ulo ko pag pinipilit. Hehe.
So punta ako sa opisina kahit Sabado, at kahit wala pang request. Care na kahit di ma-credit yong overtime. Naawa kasi talaga ako. Buti na lang medyo maganda ang mood ko. Kahit nagiging makulit sya at medyo nagsasalubong ang kilay, ok lang. deadma lang.
Kaso di pa rin natapos nong sabado kasi meron na naman syang dinagdag na kailangan pang i-encode. Sabi ko di na kami punta sa opisina ng Sunday, masyado namang abuso na yon. Lunes na lang, tutal tapos ko na naman i-encode. Bale layout na lang. ano ba naman yong lagyan ng mga pictures at anik anik yong buong report. Hehe. Tapos ko na naman yong pinaka-cover. So madali na lang yon.
So ngayon nga, medyo maaga ako pumasok.
Pero ok lang. Di ko naman sya kailangan para magawa ko yong trabaho ko. (ang taray!). So simula na ako mag-layout (kuno). Maya-maya dumating na. Meron na namang pinapa-dagdag! Naku naman!!! Bahala na. Kung matapos, e di ok. Kung hind, hayaan mo na. Ganon talaga ang buhay.
So continue lang ako sa ginagawa ko. Nong makita ko wala namang ginagawa yong kasama ko sa kanya ko na lang pina-encode yong dagdag. Tutal encoder din sya para sa annual report. So ang tinutukan ko lang, yong layout.
Madali lang naman kasi konti lang yong pictures. Kaso medyo bumabagal ang processing ng laptop na ginagamit ko kaya maraming lapses.
Katagalan, natapos din. At ang masaya, hindi ako pressured or harassed. Very easy lang ang pakiramdam ko. Yong bang feeling na alam ko matatapos ko. Di ako nagpadala sa pressure or sa negative vibe. So kahit na rush ang trabaho, masaya pa rin ako in the end. Medyo ok naman ang kinalabasan ng ginawa ko.
At least kung di man kagandahan yong designs, masasabi nilang kasi madalian lang. What more pa kung maraming time di ba? Hehe. Mayabang ba ang dating? Di naman. Masaya lang sa kinalabasan at sa attitude ko sa paggawa nong trabaho.
Hay! So ngayon pasalamat sila sa “angels”. Kasi wala namang ibang gagawa non sa ganong kakonting panahon. So pasalamat talaga sila sa amin. Hehe.
Bow!



0 comments:
Post a Comment