hindi ba nakakainis na kalahating oras kang nagpapaikot-ikot sa isang area just to find a parking space para lang pagbalik mo makita mo ang motor na nakatambak sa isang tabi na parang kawawang basahan?
kagabi sobrang inis talaga ang inabot ko na isiniksik ang motor ko sa isang tabi, para lang maisaksak ang sandamukal na mga tricycle na bakit kasi nagpupumilit maki-park sa lugar na hindi sila ma-accomodate?
dagdag na pang-asar pa. alam na kasing palabas ako, may isa namang babaeng driver na bigla ring sumiksik sa lalabasan ko. grrrr talaga! sarap paghahampasin sa mukha!
awa ng diyos, nakalabas naman ako.
akala mo ba ayos na? hindi pa, noh? may pahabol pa. meron namang dalawang nagpupumilit pa ring maging sexy na mga mudra ang biglang tumawid! my gas! at para bang sarili nya ang mundo, ang isa ay parang may sayad na tumatawid at nakatingin sa kawalan. sarap sanang itapat sa tambutso ang legs. pasalamat sya dala nya baby nya.
at para namang nakakaloko talaga, ang kaliwang tuntungan ko ay medyo nakaangat. yon pala, kasi nga pinilit at siniksik sa gilid, tumama sa katabing motor at resulta? nagcrack yong rubber at medyo umangat. nakakapikon talaga. muntik na matanggal yong rubber na nakadikit sa tuntungan.
babait nyo! sana kunin na kayo ni lord.
oppsss.. joke only! land of peace and prosperity nga pala tayo. hehe
Tuesday, October 18, 2005
Lintik na Parking!
ramblings of fen at 3:24 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment